PATAY ang isang opisyal Army matapos ma-cardiac arrest habang tumatakbo sa 21-kilometer run sa Condura Skyway Marathon, Alabang noong Linggo.
Tinatayang isang kilometro na lamang ang layo ni Major Arnold Lubang mula sa finish line nang siya ay bilang mag-collapse, sabi ni Army spokesperson Col. Benjamin Hao.
Idineklara si Lubang na dead on arrival sa Asian Hospital and Medical Center sa Alabang.
Si Lubang, 40, ay miyembro ng Philippine Military Academy Class of 2000 at nakatalaga sa Plans division ng Army bago ang insidente.
MOST READ
LATEST STORIES