Carmina sobrang sama sa Doble Kara ng Dos

carmina villaruel

MAMANIPULAHIN ni Lucille (Carmina Villarroel) si Kara (Julia Montes) at gagamiting alas upang sirain ang pamilya Suarez sa afternoon series ng ABS-CBN na Doble Kara.

Sa patuloy na pagbawi ni Lucille sa kayamanan ng kanyang yumaong asawa, paiikutin nito sa kanyang mga palad si Kara at palalabasing nanumbalik na ang kanyang pagmamahal sa anak-anakan.

Sa pag-aakalang nagkaayos na ang dalawa, magagalit si Sara sa kanyang kakambal at papipiliin kung sino sa dalawang ina nito ang mas matimbang sa puso niya – si Lucille o si Laura.

Sino kaya ang pipiliin ni Kara? Anong kaguluhan pa kaya ang dadalhin ni Lucille sa pamilya Suarez?
Ano kaya ang gagawin ni Kara pag nalaman niyang niloloko lang pala siya ng kanyang kinagisnang ina?

Huwag palampasin ang kwento na magpapadama ng tunay na pagmamahal, Doble Kara, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN Kapamilya Gold.

Read more...