Vice galit na galit sa DFA na nagpalabas ng pirated DVD ng Bea-John Lloyd movie

vice ganda

SUPER nag-react si Vice Ganda sa video na kumakalat where one government agency was showing off the video of the pirated version of “A Second Chance.”

“This is DISGUSTING!!! Hoy DFA Ali Mall ang garapal nitong ahensya ng gobyerno na ito!!!” tili ni Vice. “Langya magpalabas ba ng pirated na A Second Chance e meron namang pirated na Beauty and the Bestie!!! Chozzzz! #NoToPiracy,” dagdag pa niya.

Actually, ang StarCinema Adprom guy na si Mico del Rosario ang unang nag-react sa video na lumabas.
“Dear DFA ALI MALL, bakit po kayo nagpapalabas ng pirated copy ng A Second Chance dyan? Blatant na po talaga ang paglabag sa batas? Umm.. Government agency po kayo?” say niya.

Bakit nga ba nagpalabas ang isang sangay ng gobyerno ng pirated copy ng isang movie? Wala ba silang sentido-kumon? Sino ang dapat managot diyan? ‘Yan ba ang sinasabing daang matuwid sa gobyerno?

Read more...