TATLO katao, kabilang ang isang sanggol, ang nasawi habang dose-dosena ang nasugatan at nawawala sa lindol sa Taiwan.
Gumuho rin ang ilang gusali makaraan ang 6.4 magnitude na lindol kaninang madaling-araw.
Sa report ng US Geological Survey (USGS), natunton ang epicenter ng lindol 300 kilometro silangan ng Taipei.
Ipinaliwanag ng USGS na bagaman hindi masyadong malakas ang lindol, may lalim naman ito na sa 10 kilometro kaya maraming gusali ang gumuho, partikular sa lungsod ng Tainan.
Ang Tainan ay nasa ibabaw ng isang active fault line, dagdag ng USGS.
Sinabi ni President Ma Ying-jeou na umaabot na sa 123 ang bilang ng kanilang na-rescue sa apat na gumuhong gusali sa Tainan samantalang patuloy naman ang paghahanap sa mga nawawala.
Noong 1999 ay umabot sa 2,300 katao ang namatay makaraang yanigin ng 7.6 magnitude na lindol ang Taipei.
Samantala, sinabi ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na wala pa silang natanggap na ulat kung may nasaktan o namatay na Pinoy sa lindol.
Mahigit sa 100,000 ang bilang ng mga mga Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho sa Taiwan.