Late ang posting ng PhilHealth contribution

AKO po ang nag-aayos ng PhilHealth ng company namin. Nagtataka lang po ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin po posted ang October 2015 contribution namin pero posted na po ang November at December 2015 contribution. Gamit ko po ang erps sa transaction monitoring, received lang po ang nakalagay. Na-transact ko po ito noong Nov. 2015. Ano po kaya ang problema nito? Bakit hanggang ngayon ay di pa rin ito posted? Ano po ang dapat kong gawin? Thanks po sa inyong tulong.

Jeng Paras
Brgy Sapang Palay
City of San Jose Del Monte, Bulacan
REPLY: Bb. Paras:

Pagbati mula sa Team PhilHealth!

Nais po naming ipabatid na maaaari po ninyong i-verify o i-double check ang mga sumusunod na detalye o entries na inyong inilagay sa inyong remittance report sa kadahilanang ang mga nabanggit na criteria ay dapat nagtutugma dahil ito ang pinagbabatayan upang mai-post ang inyong contribution.
OR Number
OR Date
Month Covered
Amount
PhilHealth Employer Number (PEN)
PhilHealth Agents Receipt (PAR) kung sa bangko nagbayad
Para po sa iba pang katanungan maaari po kayong mag e-mail muli sa amin o tumawag sa aming action center hotline sa numerong 441-7442. Maaari rin po ninyong bisitahin ang aming website sa www.philhealth.gov.ph
Maraming salamat po.
Warm regards,

CORPORATE ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa inquirerbandera2016@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...