12 lindol yumanig sa Quezon

quezon
Niyanig ng 12 magkakasunod na lindol ang Quezon kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Ang unang lindol ay naitala alas-2:43 ng umaga at may lakas na magnitude 2.9 Ang sentro nito ay 10 kilometro sa silangan ng Catanauan.
Sumunod naman alas-3:28 ng umaga at may lakas na magnitude 3.6 Ang sentro nito ay 14 kilometro sa Catanauan at may lalim na 9 kilometro.
Nagresulta ito sa Intensity II paggalaw sa Gumaca, Mulanay at Guinayangan.
Alas-3:40 naman naramdaman ang magnitude 3.1 na ang sentro ay 16 kilometro sa Catanauan. Nagresulta ito sa Intensity I paggalaw sa Guinayangan.
Magnitude 3.5 naman ang sumunod na lindol alas-5:52 ng umaga. Ang sentro nito ay 11 kilometro sa kanluran ng Lopez.
Nagdulot ito ng Intensity I paggalaw sa Gumaca, Mulanay, at Guinayangan.
Naramdaman ang magnitude 5 lindol alas-6:41 ng umaga. Ang sentro nito ay 14 kilometro sa kanluran ng Buenavista at may lalim na 11 kilometro.
Nagresulta ito sa paggalaw na Intensity V sa Buenavista, General Luna at Mulanay.
Intensity IV sa Guinayangan, Catanauan, Gumaca at Pitogo. Intensity III naman sa Lopez, Calauag, Unisan at Atimonan. Intensity I naman sa Rosario.
Sa pagyanig na ito, sinabi ng Phivolcs na posibleng magkaroon ng aftershock.
Sumunod naman ang magnitude 2.6 alas-7:05 ng umaga at magnitude 2.5 alas-7:35 ng umaga, at magnitude 2.5 alas-12:31 ng hapon sa Buenavista Quezon.
Ala-1 ng hapon ay naramdaman ang magnitude 5.2 lindol. Ang sentro nito ay 11 kilometro sa Lopez at may lalim na tatlong kilometro.
Nagresulta ito sa Intensity V na naramdaman sa Guinayangan, Intensity IV sa Lopez, Pitogo, Calauag at Gumaca; Intensity III sa Mulanay, Intensity II sa Camarines Norte at Intensity I sa Rosario.
Naramdaman naman ang magnitude 3.8 ala-1:06 ng hapon; magnitude 3.4 ala-1:28 ng hapon at magnitude 3.7 ala-1:41 ng hapon.

Read more...