42 sentimos na dagdag singil sa kuryente

Meralco

Meralco


Tataas ng 42 sentimos kada kiloWatt hour ang singil ng Manila Electric Company ngayong buwan.
Katumbas ito ng P84 kada buwan para sa kumokonsumo ng 200 kWh; P126 sa kumokonsumo ng 300 kWh at P168 sa 400 kWh.
Ang pagtaas ay itinulak ng generation charge o ang gastos sa paggawa ng kuryente na umakyat ng 25 sentimos/kWh at P0.08 sa transmission charges.
Ito na ang ikalawang sunod na pagtataas ng Meralco. Noong Enero nagtaas ito ng 21 sentimos kada kWh.
Nagkakahalaga na ng P8.82 ang kada kWh ng kuryente na ibinebenta ng Meralco.
Hindi rin inaalis ng Meralco ang posibilidad na muling tumaas ang singil sa paglapit ng summer months na lalo pang paiinitin ng El Nino phenomenon.

Read more...