Pinaplantsa na ng mga magkakalabang grupo ang kanya-kanyang proclamation rally na kanilang ilulungsad sa Martes, ang unang araw ng kampanya.
Ang Team Daang Matuwid ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas ay magsasagawa ng rally sa Capiz sa umaga.
Kinagabihan ay may isasagawa rin rally sa Iloilo City.
Ang grupo naman ng Galing at Puso presidential bet na si Grace Poe ay magsasagawa ng rally sa Plaza Miranda sa Maynila.
Sinabi ng spokesman ni Poe na si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na pinili nito ang lugar dahil bukod sa pagiging makasaysayan ng lugar ay malapit din ito sa Simbahan ng Quiapo.
“Like most Filipinos, Sen. Poe is a prayerful person….As she embarks on a very important milestone in her life, she once again seeks guidance and wisdom from our Lord God,” ani Gatchalian.
Si Vice President Jejomar Binay, ng United Nationalist Alliance, ay magsasagawa ng rally sa Welfareville Compound sa Mandaluyong City.
Nais umano niyang makasama ang mga taong napag-iwanan sa buhay, nagugutom at walang trabaho.
MOST READ
LATEST STORIES