Derek tinanggihan ang Panday; ayaw nang gumanap na superhero

DEREK RAMSAY

DEREK RAMSAY

UNA palang inalok ng TV5 at ng Viva Entertainment kay Derek Ramsay ang TV remake ng Ang Panday na mapapanood sa TV5 bago ito napunta kay Richard Gutierrez.

Ayon kay Derek, feeling niya mas perfect ang timing para kay Richard ng nasabing proyekto. Nakagawa na raw kasi siya ng superhero series sa TV5 noong 2013, ang Kidlat.

“I don’t wanna say second choice, no. Richard was, I think, in the industry before me. So, hindi ko puwedeng sabihin na mas ano ako sa kanya. That would be outright rude.

“The guy has more experience, the guy has done more things than I have for the industry,” pag-iwas ni Derek sa posibleng pang-iintriga sa kanila ni Richard dahil sa nasabing proyekto.

Hirit pa ng aktor, “But I think, there’s nothing wrong with being a second choice. You should be happy if you were given an opportunity, too, if you’re chosen. I’ve been second choice to ‘English Only, Please’,

I was second choice to many movies and I was very thankful na ako yung napili.”

Dagdag kuwento pa ni Derek, “I was asked if I want to do Panday and I said no. Big project, great project, I could have done it. But I strongly believe…I just wanna be fair na ako si Kidlat, something that’s homegrown sa TV5.

“At parang sa mga viewers, I don’t think it would be fair na, ‘Oh, he portrayed as Kidlat, a superhero, and now he’s Panday as a superhero?’ It just doesn’t look right,” esplika pa ng hunk actor nang makachika ng ilang miyembro ng entertainment media sa presscon ng latest movie niyang “Love Is Blind” under Regal Entertainment kasama sina Kiray Celis, Solenn Heussaff at Kean Cipriano.

Itinanggi rin ni Derek na kino-consider daw niyang threat sa kanya si Richard ngayong papasok na ito sa TV5, “No! I’m very supportive about Richard joining.”

Ayaw din niyang tanggapin ang taguri sa kanya bilang hari ng TV5, “I don’t like to believe na ako yung hari ng TV5. I’m one of their talents, their loyal talents, and I will work hard to help the network grow.”

Nang matanong naman si Derek tungkol sa kanyang lovelife, sinabi nitong super happy siya sa relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Joanne Villablanca.

At kung nagpakasal na ang co-star niya sa “Love Is Blind” na si Kean at malapit na rin ang wedding ni Solenn, siya na ba ang susunod? “Gusto kong isipin na doon na talaga papunta, but like I said, we’re just starting, so marami pa kaming pagdaraanan, marami pa kaming gagawin together. I’m just happy na maayos at tahimik ‘yung sa amin.”

Read more...