Papa Jack binu-bully nina Boobsie Wonderland, Gladys at Ate Gay

papa jack

NAKAKATAWA itong si Boobsie Wonderland sa presscon ng nalalapit nilang Valentine concert entitled “Panahon Ng May Tama” na gaganapin sa Araneta Coliseum on Feb. 13 together with Gladys Guevarra, Ate Gay and Papa Jack. She really stole the afternoon chikahan with the press most especially sa tanong kung totoong banned sila ni Gladys sa ibang bansa.

“Yung sa akin sa Dubai. Hindi na yata talaga ako makakabalik sa Dubai dahil nag-overstay pala ako roon when I worked there. Isang taon akong nagtrabaho gayong ang visa ko pala ay pang-one entry per show lang.

Hindi ko naman po alam na ganoon kasi hindi ako ang may hawak ng papers ko. Yung nag-invite po kasi sa akin ang kumuha sa akin to work there. “Pag-uwi ko, pinagbabayad ako ng P60,000 sa pera natin then meron pang P180,000 na fine at kung anik-anik pa.

Siyempre wala naman akong ganoon kalaking pambayad, yung P60K okay lang pero yung P180K ay malabo talaga. Kaya sinabihan ako ng immigration doon na hindi na ako makakabalik. Kaya hanggang Qatar na lang ang beauty ko. Si Ate Gladys naman ang banned sa Qatar!” pambubuko niya.

Nilinaw naman ni Gladys ang sitwasyon niya sa nasabing bansa na nag-start daw sa isang invitation sana sa kaniya to perform sa Qatar, “May booking ako for Qatar noon. Kaya lang, nagkaproblema sa papers ko dahil late na nang mai-submit ng kumukuha sa akin.

Ayoko namang maipit ako sa biyaheng iyon kaya isinoli ko na lang ang downpayment na ibinigay niya sa akin. “Hindi lang na-coordinate nang maayos ng promoter ko ang show ko roon. Hindi naman ako banned, inisip ko lang na baka nagalit sila sa hindi ko pagtuloy sa show dahil nga sa kakulangan ng papeles earlier.

Kaya hindi muna ako pumupunta or nag-a-attempt na pumunta ng Qatar,” ani Gladys. Ang cute ng dalawang ito pag nagbi-baby talk. Perfect tandem sila actually. Nagkakatulungan silang dalawa lalo na sa segment nila sa Sunday Pinasaya ng GMA 7.

Asset sila sa show kaya patuloy itong humahataw sa ratings. Nakabalik at nag-click si Gladys sa TV nang mag-tandem sila ni Boobsie at si Boobsie naman ay lumaki ang pangalan dahil naka-level naman niya si Gladys. Ganda ng kanilang tandem, as in.

Si Ate Gay naman has proven to everyone that he can carry a show. Napuno kaya niya ang SM MOA Arena when he was launched there last year. Magaling siya talaga at nakakatawa.

Si Papa Jack naman ay sikat na sikat sa kanyang radio show – nakakatawa nga siya dahil kung siya ay nambu-bully ng kaniyang listeners sa radio, nabaligtad yata dito. Siya yata ang binu-bully ng mga komedyante.

“Hindi pa man kami nagsu-show na-bully na nila ako kaya tiyak na riot ito. Magugulat na lang sila kung ano ang ipapagawa sa akin ni Direk Andrew ‘Mamu’ de Real sa show. Basta wait lang sila at riot ito. Ha-hahaha!”

Feb. 13 and show na ito – super-funny event na tiyak na kagigiliwan ng lahat. Tuwing Valentine season kasi, puro romantic shows ang napapanood natin – this time ibahin naman natin ang landscape. Tawanan naman with “Panahon Ng May Tama”, parang sinasabing panahon ng mga may saltik ang ibig sabihin.

Ha-hahaha! Kaya humanda ang buong bayan sa apat na ito. Thanks to their producer Joed Serrano for putting up a show like this. Galing ng idea, di ba?

Read more...