2 rebelde patay, armas narekober sa engkuwentro

camarines
Dalawang hinihinalang kasapi ng New People’s Army (NPA) ang nasawi habang ilang matataas na kalibreng baril ang narekober nang makasagupa ng mga tropa ng pamahalaan ang rebeldeng grupo sa Bato, Camarines Sur, ngayong araw, ayon sa pulisya.

Narekober ang bangkay ng dalawang hinihinalang rebelde at apat na M16 rifle, sabi ni Senior Insp. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police.

Naganap ang sagupaan dakong alas-12:50 ng tanghali sa Brgy. San Isidro.

Nakaharap noon ng mga elemento ng Army 2nd Infantry Battalion at ilang kawal mula sa Scout Platoon ang aabot sa 10 rebelde, ani Calubaquib.

Walang naiulat na nasugatan sa mga sundalo, na patuloy na gumagalugad sa paligid ng encounter site kahapon ng hapon, aniya.

Read more...