P49M tugon sa panalangin ng retirado

lotto for site
Ang panalong P49.5 milyon ang naging tugon ng Diyos sa dasal ng isang retirado na nangangamba kung papaano bubuhayin ang kanyang 14 na anak.
Pumunta sa tanggapan ni Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo upang kunin ang kanyang premyo.
“Kahit matagal ay answered prayers naman,” saad ng nanalo ng makipagkuwentuhan kay Rojas.
Siya ang nag-iisang tumaya sa winning number combination na 4-12-19-25-29-35 sa bola ng Lotto 6/42 noong Enero 23. Nagkakahalaga ng P60 ang kanyang taya ng manalo.
Ang nanalo ay 73-anyos, may-asawa at 14 na anak. Siya ay taga-South Cotabato.
“Kaya ho ako nagbabakasakali at tumaya sa lotto sir, ay dahil marami ho akong anak,” aniya.
Plano niyang bumili ng sariing bahay at lupa, ng sailing hand tractor na magagamit niya sa pagtatanim at isang pick-up truck.

Read more...