Poe nabuhayan sa sinabi ni Sereno

GRACE POE

GRACE POE


Mistulang nabuhayan ang presidential aspirant na Sen. Grace Poe sa mga pahayag ni Supreme Court chief justice Ma. Lourdes Sereno na pabor sa karapatan ng mga ampon.
Sa isang statement, umaasa si Poe na makikita rin ng ibang hurado ng SC ang pangangailangan na proteksyunan ang karapatan ng mga bata na hindi kilala ang tunay nilang mga magulang.
“We take refuge in the statement of Chief Justice Ma. Lourdes Sereno fighting hard for the rights of foundlings like me,” ani Poe. “It rings loud and clear that the right of foundlings to a nationality will just be an empty rhetoric unless the government accords it due respect and implements this right.”
Dinidinig ng SC ang petisyon ni Poe na balewalain ang desisyon ng Commission on Elections na nagdidiskuwalipika sa kanya bilang kandidato sa pagkapangulo sa halalan sa Mayo.
“I hope that the public and those who will make a final judgment on my case will see things in this light,” dagdag pa ng senadora.
Sa pagdinig ng SC, sinabi ni Comelec Commissioner Arthur Lim na malinaw ang nakasaad sa Konstitusyon na ang isang natural born ay mayroong ama o ina na Filipino at walang ginawa upang makuha ang naturang citizenship.
Ipinunto ni Lim na ng aminin ni Poe na siya ay isang foundling ay inako na niya ang responsibilidad na patunayan na siyang siyang natural born Filipino.

Read more...