Ex-Cong gustong isabit si Cabinet member sa graft

DIBDIBAN ang panunuyo ng isang kongresista para makuha ang suporta ng isang dating government official.

Gusto kasi ni Cong., na opisyal ng isang political party, na masampahan ng kaso ang isang cabinet member na sinasabing sabit sa isang malakihang graft case.

Kapag nakasuhan ang kalihim ay tiyak na sasabit sa kaso ang iba pang opisyal sa Malakanyang.

Ang dating agency head na ating tinutukoy ay may kaso ngayon sa Sandiganbayan.

Masama ang loob ng dating opisyal dahil hindi kasama sa graft charges ang kanyang dating amo na Cabinet member na ayon sa kanya ay mas malaki ang pananagutan kung ang nasabing kaso ang pag-uusapan.

Pakiramdam ng dating agency head ay isinakripisyo siya ng Malakanyang para mailigtas ang ulo ng ilang mas mataas na opisyal.

Pinipilit ni Cong ang dating opisyal na lumipat na sa kanilang hanay at sa sandaling manalo ang kanilang manok sa eleksyon ay mabibigyan siya ng maayos na posis-yon sa gobyerno.

Simple lang naman daw ang gagawin ng da-ting agency head, ang ikanta ang detalye kaugnay sa pinasok nilang kontrata noong siya ay pinuno pa ng isang ahensya na madalas banatan ng mga netizen.

Multi-million dollar deal ang nasabing kontrata pero si dating agency head lang ang kinasuhan samantalang si Mr. Secretary naman ang may final say sa kontrata.

Dahil gipit sa pera, naniniwala ang isang paksyon sa oposisyon na kailangan lang nilang maglaan ng malaking pondo para tapatan ang matamis na “oo” ng tinutukoy nating dating opisyal.

Kapag nakuha nila ang suporta ng ating bida ay magsisilbi itong malakas na bala laban sa administrasyon.

Pati ang brother-in-law ng isang maipluwensiyang tao sa bansa ay malamang na sumabit oras na kumanta si dating agency head.

Ang dating opisyal na posibleng maging mabigat na problema kapag pinabayaan ng administrasyon ay si dating General Manager A….as in Alabang.

Si Cong naman na nanliligaw ng suporta ni GMA ay si Cong. T….as in Tita.

Read more...