Andi, Jake pinatunayang may forever, nagpakaligayasa Thailand at Cebu

ANDI EIGENMANN AT JAKE EJERCITO

ANDI EIGENMANN AT JAKE EJERCITO

AS we reported earlier, mukhang nagkabalikan na nga sina Andi Eigenmann and Jake Ejercito.

The last time they were spotted together was in a vacation in Thailand. Although they were not photographed together, pareho naman sila ng view or spot na ipinost sa kani-kanilang social media account.

Ang latest, na-sight ang dalawa na magkasama sa Cebu recently. They were pictured walking together at hawak ni Jake si Andi sa balikat. There was also one photo where they were seen in one table. May hawak na tablet yata si Andi habang nakatingin si Jake sa kanya.

Clearly, harangan man sila ng sibat ay magbabalikan at magbabalikan pa rin. They have proven to all and sundry that despite the odds ay kaya nilang ibalik ang init ng kanilang pagtitinginan.

Merong nag-akalang hindi sina Andi at Jake ang nasa photos na lumabas sa isang popular website lalo pa’t nasabi raw ni Jake na nasa Singapore siya’t nag-aaral.

“Kala ko ba nag-aaral to ngayon sa Singapore. ano yun pacute lang?” asked one fan.

“May nagcomment sa IG niya spotted si Jake on the plane Singapore to Cebu. Dun na sila nagkita ni Andi sa Cebu,” esplika ng isang tagahanga.

“Sabi ko sa inyo eh my forever kay andi at jake!!! Wag na naten pakielaman kung ng aaral o ng ppacute lang ndi naman tayo ngbbayad ng tuition fee ni jake!! at isa pa pag bigyan na buwan na ng mga puso LOVE LOVE LOVE,” say ng isa pa.

Read more...