Clonoscopy, endoscopy

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Noong 2014 nang ma-diagnosed ako na may GERD o acid reflux dahil lagi akong may heartburn, pananakit ng dibdib, hirap sa paglunok at halos hindi bumaba ang kinain at may dry cough. Mahigit one year din akong uminom na gamot na pantropazole.

Ngayong taon ay bigla na namang sinumpong ang sakit ko at minsan ay constipated na rin ako na labis kong ikinabahala kaya agad akong bumalik sa doktor ko para magpa- check up.

Ang advice sa akin ay magpasalip na o mag-undergo ng endoscopy at colonoscopy para makasiguro at maagapan kung ano man ang aking sakit.

Sa endoscopy ay malalaman kung ano ang mga tamang gamot na dapat inumin at malalaman kung ano ang pinanggagalingan ng acid reflux ko at makikita kung may problema sa aking colon at mabigyan ng lunas sa colonoscopy.

Pero nagulat ako sa sabi ng doktor ko na paghiwalayin na lang daw ang procedure ng endoscopy at colonscopy para mas malaki ang ma-less sa PhilHealth dahil gusto ko sana na pagsabayin na lamang para isang lagay na lamang ng anethesia at pag mas maraming procedure ay mas lalo akong kinakabahan.

Gusto ko po sanang itanong sa Philhealth kung tama po ba na mas malaki ang less kung magkahiwala ang procedure o pareho lamang ang ikakaltas kung magkasama. Ask ko na rin kung nasa case rate po ba ang endoscopy at colonoscopy? Magkano kaya ang ibabawas dahil sabi ng doctor P8,000 sa endoscopy at P13,000 sa colonoscopy?

Salamat po at sana ay masagot ninyo ang aking katanungan
Ma. Grace Velasco
Block 2 lot 35,
Gold Ave.
Maryhomes Subdivision, Molino Bacoor Cavite
REPLY: Pagbati mula sa Team PhilHealth!

Nais po naming ipabatid na kasama po ang colonoscopy at endoscopy sa listahan ng case rate packages ng PhilHealth. Ito po ay maaaring ma-avail nang magkahiwalay na araw upang mabayaran nang pareho ang nasabing procedure.

Ang case rate package ng colonoscopy ay nagkakahalaga simula P10,540-P21,940. Samantala ang endoscopy naman ay P8,104-P46,500

Para sa kumpletong listahan ng Procedure Case Rates, pakisundan lamang po ang link:
https://www.philhealth.gov.ph/circulars/2013/annexes/circ35_2013/Annex2_ListOfProcedureCaseRates.pdf.

Para po sa iba pang katanungan maaari po kayong mage-mail muli sa amin o tumawag sa aming action center hotline sa numerong 441-7442.

Maaari rin po ninyong bisitahin ang aming website sa www.philhealth.gov.ph
Salamat po.
Warm regards,
CORPORATE ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center:
441-7442
amv

Read more...