BANNED pareho sa magkaibang bansa ang dalawang sikat na comedienne ngayon na sina Gladys “Chuchay” Gueverra at Boobsie Wonderland. Unang na-ban si Boobsie sa Dubai habang sa Qatar naman bawal pumunta si Gladys.
Hindi alam ni Boobsie na illegal ang pagpunta niya sa Dubai noon. Umabot sa P168,000 ang ibinayad niya sa immigration ng Dubai thinking na maaayos ang papeles niya at makakapagtrabaho pa siya ulit doon. Only to find out na after siyang i-eye scan, nangangahulugan na ‘yun na hindi na siya pwedeng bumalik ng Dubai.
“Actually po, wala po akong pinagsisihan sa desisyon ko, nasa Dubai ako nu’ng pinauwi ako ni Allan K. Ah, kasi sabi niya po magaling kang komedyante. Umuwi ka na lang ng Pilipinas kasi mas marami kang mapapasaya doon. So, nag-decide po ako na umuwi,” pahayag ni Boobsie sa presscon ng Valentine concert nilang “Panahon ng May Tama: #Comic-Kilig” sa Araneta Coliseum on Feb. 13, 8 p.m..
Habang si Gladys naman ay na-band kamakailan lang nu’ng hindi siya nakasama sa concert ni Alden Richards sa Qatar last month.
“Feeling ko dahil ‘yung immigration nu’ng sinabi sa akin ‘yung show na ‘yun, it was first week of October. Tapos nu’ng December 25 hinihingi sa akin nu’ng kumausap sa akin ‘yung passport. Sabi ko,
‘Hindi ba too late na para kunin ‘yung mga documents at mag-apply ng visa?’ E, January 8 na ‘yung show,” kwento ni Gladys.
Feeling niya dahil sa kakulangan ng oras nu’ng taong kausap niya kaya nagkaipitan na sa panahon ng pagproseso ng papers niya.
“Kasi sabi nu’ng producer sa Qatar ibalik na lang ‘yung pera kasi hindi na marilisan ng visa dahil meron daw akong nilabag na batas sa Qatar. Sabi ko, paano mangyayari ‘yun, e, bago po ako nag-aarti-artista lahat ng biyahe ko puro UAE. Uh, feeling ko ito ‘yung naging dahilan kung sinuman ‘yung kausap,” esplika pa niya.
Magkasamang magpe-perform sa Big Dome sina Gladys at Boobsie kasama sina Ate Gay at Papa Jack sa “Panahon Ng May Tama: #Comic-Kilig” directed by Andrew de Real and produced by CCA Entertainment Productions.
First time ni Boobsie na magko-concert sa Araneta Coliseum habang second time naman ni Gladys. Her first ay ‘yung “Super Friends” concert nila nina Allan K at Janno Gibbs na isa sa mga lalaking na-link noon sa kanya.