Carla, Gabby huli sa akto na naghahalikan

gabby concepcion

PARA sa lahat ng mga nagtatanong kung ano na ang susunod na mangyayari sa GMA Telebabad series na Because Of You starring Carla Abellana, Gabby Concepcion and Rafael Rosell, narito ang kailangan n’yong tutukan.

Nasa isang corner ng hotel sina Andrea at Jaime at buong pagmamahal na naghahalikan matapos sabihin ni Andrea na una nang puntahan ni Jaime ang anak para maayos ang gulo.

Nahuli sila ni Feliza while kissing. Takot sina Andrea at Jaime but this time, inamin na ni Jaime sa ina na nobya niya si Andrea. Jaime told his mom na walang dapat mag-utos sa kanya kung sino ang mamahalin.

But Feliza gave Jaime two weeks para iwan si Andrea or…sasabihin na niya sa mga bata ang relasyon ng dalawa. Nakiusap si Jaime na huwag, again sinabi ni Feliza na two weeks lang ang puwede niyang ibigay kay Jaime to leave Andrea.

Binalewala ni Feliza ang sinabi ni Andrea na wala siyang balak mag-take advantage kay Jaime, talagang mahal na mahal niya ito. Nag-decide si Jaime na magsasabi na sila ni Andrea sa mga bata.

Ipagtatapat na ang kanilang relasyon. Pinaghandaan ni Andrea ang pagharap sa mga anak ni Jaime. Gusto niyang maging maganda, maging katanggap-tanggap sa mga bata.

Pero sabi ni Alex hindi kailangang magpa-impress ni Andrea. Just be herself dahil pag nakita ng mga bata na sincere siya at fun to be with, tiyak daw na makukuha ni Andrea ang loob ng mga ito.

Read more...