Follow up ito sa nasulat naming discoverer ni Alden Richards na kanyang binlock sa social media account niya. Naloka si Dudu Unay kung paano namin nalaman ang pangdedeadma sa kanya ni Alden.
Ang una palang discoverer ni Alden ay si Gilbert Belan, isang director ng male pageants sa Laguna. Kaibigang matalik ni Gilbert ang make-up artist na si Carlites de Guzman.
Later on, nag-away ang dalawa dahil napunta na kay Carlites si Alden. Nagsabi raw itong si Alden kay Carlites na kapag 18 na siya ay gusto na niyang sumikat. Ang ginawa naman nitong si Carlites ay kinontak nito si Dudu para hanapan ng project sa TV si Alden.
Perfect timing naman dahil tinawagan ni Jeff Gamil ng GMA 7 itong si Dudu dahil may audition for a male lead sa TV series na Alakdana. Pina-audition ni Dudu ang Pambansang Dimple at kinatagpo pa niya ito sa labas ng GMA compound.
Napili si Alden at si Dudu pa mismo ang nagdala ng script nito sa Sta. Rosa Laguna. Nagkita sila roon nina Alden at Carlites. Inabutan pa nga ng madir ni Alden si Dudu ng P500 para pamasahe. Nag-usap sina Dudu at Carlites na pagtutulungan nila ang pagma-manage kay Alden.
Kapag may taping ng Alakdana ay sumasama pa si Dudu. Noong presscon nga ng show ay kasama pa niya ang actor. Naikuha pa ni Dudu ng endorsement si Alden para sa Urban Apparel kasama si Louise delos Reyes.
Until naging regular na si Alden sa ilang GMA shows. Napansin ni Dudu na wala na siyang communication kay Alden, kahit na sa Facebook ay hindi na niya ito friend. Yes, in-unfriend ni Alden si Dudu.
Walang nakuha ni singkong duling si Dudu sa mga pagtulong niya kay Alden, ‘no! How sad! Noong unang lumabas ang aming item about Alden na dineadma na niya ang discoverer niya ay nag-react si Carlites.
Nag-PM ito kay Dudu at pinamukhaan niyang may utang ito sa kanila. How can that be, eh, baguhan pa lang si Alden noon at hindi pa malaki ang kita. Nagtaray pa raw ang Carlites at sinabing agent lang nila si Dudu noong pumasok ito sa GMA 7.
How funny! Kung siya ang manager, dapat siya ang nagpasok kay Alden sa GMA, right? Ang kaso, wala siyang CLOUT sa GMA. Bali-baliktarin mo man ang mundo, Alden, it is Dudu Unay who introduced you to GMA. Kung wala siya, saan ka kaya pupulutin ngayon?
Spell UTANG NA LOOB? Sa mga bashers naming nagsasabing gumagawa kami ng kuwento, now, you can tell it to the marines. Never kaming nag-imbento, ‘no! Anyway, gusto pa rin naming marinig ang side ni Alden about this issue.
