MAKAHIHINGA nang maluwag ang mga public school teachers na gampanan ang kanilang election duties.
Ito ay matapos maipasa sa Kamara at Senado ang panukalang gawing opsyonal ang mga trabaho ng public school teachers sa panahon ng halalan. Dati-rati kasi, compulsory ang pagiging Board of Election Inspectors o BEIs ng mga public school teachers.
Sa ilalim ng Senate Bill 2178 o ang panukalang Election Service Reform Act (ESRA), papayagan na ang public school teachers na mamili kung tatanggapin nila ang trabaho sa halalan.
Para sa mga gurong nais na magsilbing Board of Election Inspectors (BEI), bibigyan na sila ng mas mataas na bayad, ayon kay Leyte Rep. Martin Romualdez.
Ipinasa rin ng Mababang Kapulungan ang panukalang ESRA, kung saan ang honorarium ng mga guro ay itataas mula P3,000 tungo P6,000 para sa chairman ng BEI, P3,000 tungo P5,000 naman para sa mga miyembro. Ang supervisors ng Department of Education na dating natanggap ng P3000 ay magiging P4000 na, at P1,500 tungo P2,000 para sa support staff.
Kahit ang travel allowance nila ay gagawing P1,000 mula sa kasalukuyang P500.
Sinusiguro din ng panukalang batas ang dagdag sa death benefits nang mula P200,000 hanggang P500,000 at ang medical assistance din sa gayung halaga sa para sa injuries na makukuha sa pag ganap ng tungkulin sa halalan.
Ayon kay Romualdez, ang mga nabanggit na panukala ay daan para kilalanin at ipakita ng pamahalaan ang pagkalinga nito sa kanila dahil sa kanilang ‘invaluable contributions’ nila sa system of free, fair, clean and credible elections.”
Nagbigay pugay si Romualdez sa mga sakripisyo ng mga public schoolteachers, lalo sa mga nasa lugar na ipinalalagay na ‘election hotpots’ kung saan matindi ang labanan ng mga kandidato na nauuwi sa karahasan.
“Our public school teachers who are in the frontline of efforts to uphold and defend our system of free elections deserve better pay and the change in the nature of their assignment from compulsory to voluntary. We should ensure their welfare as well as safety and security should they choose to perform poll duties,” dagdag pa ni Romualdez na tumatakbo ngayon sa pagkasenador.