Horoscope, January 29, 2016

Para sa may kaarawan ngayon: Sopresa ang magaganap habang patuloy ang pagdating ng mga kumplikadong pangyayari. Makipagsapalaran, may malaking halaga ng salapi na mahahawakan. Sa pag-ibig, puwede nang pag-tiyagaan ang isang Gemini. Mapalad ang 1, 19, 28, 31, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Green at pink ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)— Paminsan-minsan matutong magparaya! Kailanman ay hindi ka lubos na liligaya kung ikaw lagi ang nasusunod. Hayaang ang kasuyo ang magpasya. Sa pinansyal, ipaubaya sa iyong kasosyo ang diskarteng nalalaman niya upang magtagumpay ang transaksyon. Mapalad ang 9, 18, 30, 33, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Red at silver ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Wag panghinaan ng loob! Kung lalakasan mo ang iyong loob, noon ka pa sana mayaman! Sa pag-ibig, lakas din ng loob ang susi upang ikaw ay lumigaya at magtagumpay. Mapalad ang 5, 9, 27, 36, 42 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Sukadeva-Om.” Blue at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Medyo mababagot ka sa araw na ito. Panahon na upang magbagong-buhay. Sa pag-ibig, palitan na ang kasuyong matagal mo nang kinayayamutan. Sa pinansyal, wag nang asahang magbabayad ang mga balasubas na mangungutang. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Om.” Red at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Wag magpatalo sa lungkot! Kung may tampuhan kayo ng minamahal, resolbahin agad bago tuluyang mawasak ang relasyon. Sa pinansyal, malapit na ang suweldo kaya sasaya ka na naman. Mapalad ang 5, 14, 23, 31, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Om.” Beige at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Bago makialam sa iba, pagbutihin muna ang sariling buhay. Mag-concentrate sa pag-iipon, iwasang gumasta nang gumasta nang walang kabuluhan. Sa pag-ibig, pahalagahan ang pagsisikap na ginagawa ng kasuyong Aries. Mapalad ang 5, 17, 23, 35, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kuntha-Vai-Nava-Om.” Orange at black ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Hindi makukuha sa puro na lang pakikipagkuwentuhan ang magandang kapalaran. Mabilis na aksyon ang kailangan. Sa pag-ibig, nanlalamig ang kasuyo, ipadama sa kanya ang mainit na romansa. Mapalad ang 3, 18, 27, 35, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Ipsa-Scientia-Potesta-Om.” White at lilac ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Huwag kang umasa sa iyong mga kadugo at kamag-anak. Sariling diskarte sa pagpapayaman ang ipatupad. Sa pag-ibig, ang pagtatampo ng kasuyo ay lilipas din. Mapalad ang 6, 15, 24, 29, 32, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Purana-Om.” Red at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Mag-ingat sa pagpapahayag ng opinyon at nararamdaman. Sa maling salita ay mapapaaway ka na naman. Sa pag-ibig at pinansyal, isipin mo munang mabuti ang anomang sasabihin sa kausap upang hindi ka mamali ng diskarte. Mapalad ang 2, 11, 29, 34, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Govardana-Om.” Green at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Marahil ay naguguluhan ka sa mga nangyayari! Magpakatatag dahil iyon ang dapat para malagpasan ang lahat ng mga pagsubok. Sa pinansyal, malapit ka nang magkapera ng malaking halaga. Sa pag-ibig, wag mag-alala, mahal ka ng kasuyong Libra. Mapalad ang 4, 10, 19, 28, 35, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nirayana-Om.” Pink at purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Panahon na upang ituloy ang pagpupursige na yumaman, siguradong sa edad mong 50 pataas mararating mo rin ‘yan. Sa pag-ibig, hindi dapat kontrahin ang suhestiyon ng kasuyo na may kaugnayan sa pagpapalago ng kabuhayan. Mapalad ang 4, 18, 27, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Red at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Kung gusto mong magsimula ng bagong buhay, laging tumingin sa future. Darating ang araw makakaahon ka rin sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, panatilihin ang pag-ibig sa isang Libra upang hindi ka na malungkot. Mapalad ang 7, 11, 29, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Green at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Sa taong ito, maging maingat sa pagpili ng kososyo at maging maingat din sa paglalagakan ng salapi. Sa pag-ibig, ituon ang pansin sa kasuyong Virgo. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vajur-Om-Veda.” Purple at pink ang buenas.

Read more...