Torn between 2 lovers

Dear MANANG and tropa,

Good day sa’yo ate Pher and tropa.

Isa po ako sa mga avid readers ng column ninyo. Ako po si Jesica, 18 years old, from Lebak Sultan Kudarat.

Ask ko lang po sa inyo kung anong dapat kong gawin kasi po may boyfriend ako, dalawa po sila. Pero ang problema ko yung unang BF ko ay nawala ang communication namin at ngayon nagkita kami at sabi niya kung mahal ko po siya, sabi ko oo. Pero may mahal na akong iba, at siya ang gusto kong makasama forever. Ngayon, ang kinatatakutan ko ay baka malaman nung isa na bumabalik ang dati kong BF at baka mag-away sila dahil sa akin. Kaya ang tanong ko lang po ay kung anong dapat kong gawin sa kanilang dalawa?

Hello sa’yo Jessica at sa mga kababayan natin d’yan sa Sultan Kudarat. Kung napili mo na ang pangalawa mong BF mabuti sigurong sabihin mo sa nauna na ang pagmamahal na nararamdaman mo sa kanya ay hanggang duon na lamang at mabuting mag-move on na kayong dalawa dahil may bago ka nang minamahal.

Be honest and truthful so you can positively move forward. Jessica, life is full of choices and you need to make them. Give your first BF a chance to love someone whom he deserves and will love him whole.

Ang sabi nga, true love is selfless, hindi ba?
Ang payo ng tropa
Dear Jessica,

‘Wag masyadong swapang. Kung mahal mo na ang pangalawa mong BF, please pakawalan mo na yung nauna, at hindi iyong ini-entertain mo pa.

Wag feelingera na Diosa ka ng kagandahan, ineng. Nagiging unfair ka, hindi lang sa una mong BF kundi lalo na sa ikalawa. Maging patas ka, dahil masama ang balik niyan sa iyo kapag hindi mo agad iyan tapusin.

Regina via Facebook

Hi Jessica,

Haba ng hair mo girl, hehehe…

Una, isipin mong mabuti kung talagang mahal mo pa ang unang mong BF. Hindi pupuwede na dalawa ang mahal mo dahil iisa lang naman ang puso natin. Mag-usap kayo ng unang BF mo at ipagtapat mo sa kanya na may mahal ka nang iba.

Expect mo na rin na masasaktan siya, mas magandang masaktan na siya ngayon dahil ‘yun ang katotohanan kaysa naman niluluko mo siya sa mahabang panahon, di ba?

Simple lang, kung mahal mo ang pangalawang BF mo ‘eh di siya ang piliin mo, at mahalin mo nang buong-buo.

Kaya mag-isip ka kung sino talaga, bata ka pa naman at marami ka pang dapat pagtuunan ng pansin. Kung nag-aaral ka, mag-aral ka munang mabuti at marami pang darating na makikilala mo.

Ate Jenny
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Read more...