Heart may show cooking sa Star World Asia; Chiz hinamon sa cook-off

CHIZ ESCUDERO AT HEART EVANGELISTA

CHIZ ESCUDERO AT HEART EVANGELISTA

NGAYONG meron nang sariling cooking show si Heart Evangelista, nais daw ng aktres na mas i-level up pa ang kanyang kaalaman sa kusina.

Despite her very busy schedule, nitong weekend nga ay sumabak naman sya sa cooking classes kasama ang kanyang kapatid na si Cam Ongpauco at pinsan na si Happy Ongpauco-Tiu na isa ring magaling na chef.

Lalo pang humanga ang fans ni Heart dahil talaga naman multi-talented ito dahil bukod sa pag-arte at pagpipinta, culinary arts naman ang inaasikaso.

Hindi na nga raw sila magtataka kung bukod sa pagiging actress and painter ay magiging isang chef na rin si Heart eventually.

October last year naman nang i-announce ni Heart na magkakaroon sila ng mommy niyang si Cecile ng cookbook.

“I may not be an expert but my mom is a goddess when it comes to cooking! I can’t wait to work on our cookbook!” chika ni Heart sa isang Instagram post.

Inaabangan na sa Star World Asia ang cooking show ni Heart na pinamagatang Foodtrip kasama ang celebrity chef na si Stefano Medicci.

Pero ang tanong ng fans ni Heart ay kung magiging guest ba sa nasabing cooking show ang asawa nyang si Sen. Chiz Escudero.

Aminado naman ang aktres na mas magaling magluto kaysa sa kanya ang asawa, pero mukhang talagang kina-career na rin ni Heart ang cooking para naman maipagluto naman niya ng masasarap ang kanyang mister.

Samantala, ready naman kaya ang mag-asawa para sa isang cook-off? ‘Yan ang dapat n’yong abangan sa pinakabagong cooking show sa Star World Asia.

Read more...