NAIS ni national coach Tab Baldwin na agad pagsamahin at buuin na ang pinakamalakas na koponan na ihaharap nito sa makakasagupang France at New Zealand matapos na malaman ang mga makakaharap ng Pilipinas sa isasagawang FIBA Rio Olympic Qualifying Tournament.
Sinabi ni Baldwin na hindi pa nito napipili ang 14 na bubuo sa komposisyon ng koponan na kinakailangan nito ngayon na hasain at turuan base sa klase ng laro ng makakatapat na kalabang bansa.
“Now that we know who we will be facing in the OQT, it is time now to assemble and build the strongest team ever,” sabi ni Baldwin.
Aminado si Baldwin na nararapat nitong paghandaan ngayon ang iba’t ibang klase ng mga laro upang magwagi sa alinman sa posibleng makatapat na kalaban sa qualifying tournament para sa Rio Summer Olympic Games.
“The burning question is that how we will try to make the team,” sabi pa ni Baldwin. “That is not the case now because whoever team we face now depends on the quality of the game they play.”
“I never try to predict and I don’t have any answers on what our chances (are),” dagdag pa ni Baldwin. “I just believe as I’ve said before, the Philippine team is capable of winning every offensive and defensive possession in the game. But we’re capable of losing them as well. There is no unclimbable mountain if we prepare.”