Cristine hindi mukhang pera, ayaw pagkakitaan ang kasal

CRISTINE REYES AT ALI KHATIBI

CRISTINE REYES AT ALI KHATIBI

HANGA kami sa kasimplehan ng wedding ni Cristine Reyes at Ali Khatibi.

No fanfare, simple and solemn ang naging wedding nila sa Balesin. Naka-white ang magdyowa, bagay na bagay sa kanila ang kanilang simpleng kasal.

Ang maganda rito, hindi pinagpiyestahan at hindi naging circus ang kasal ng dalawa. Walang TV coverage, walang ingay, banal na banal ang kasal.

Hindi kasi katulad ng ibang celebrities sina Cristine at Ali, hindi sila magarbo, hindi sila mayabang.

Hindi sila ‘yung tipong type na may wide coverage ang kanilang wedding para ibandera sa buong mundo. Hindi niya pinagkakitaan ang kanilang kasal.

Read more...