Vic: Hindi ko inasahan na mai-in love sa akin si Poleng!

vic sotto

Sa pagpapatuloy ng pre-wedding special ng Eat Bulaga bago ang kasalang Vic Sotto-Pauleen Luna sa Sabado, ilang katanungan pa ang ibinato ng tatlong lola ng kalyeserye sa groom and bride.

Kahapon, pinadugtungan naman nina Lola Nidora (Wally Bayola) kay Bossing ang ilang pangungusap para mas makilala pa ng Dabarkads si Poleng. Sa pahayag na, “Ayaw ni Pauleen sa…” ang sagot ni ni Vic ay “TSISMOSA.”

“Mahilig si Pauleen sa…?” “Sa AKIN” ang nasambit ni Vic. Kung may kinatatakutan daw si Pauleen, ‘yan ay ang kanyang mga magulang. Hindi rin daw akalain ni Bossing na magkakagusto sa kanya si Pauleen.

Nang ipa-describe naman ng tatlong lola kay Pauleen ang kanyang future groom, ang tugon nito, “Very Simple. Nakakatawa kasi, di ba, iba na yung estado niya sa buhay.

If you get to know him, he’s very simple. Madaling suyuin. Madaling i-please’.’ Parehas din daw silang pinalaking low maintenance, at kahit nga raw sa pagba-bonding ay simple lang ang kanilang mga ginagawa tulad ng panonood ng movie at pagkain sa labas.

Read more...