Kiray Celis babaeng version ni Rene Requiestas

kiray celis

NAKAKATAWA itong si Kiray Celis nang humarap sa press for her launching movie “Love Is Blind” under Regal Films. Katabi niya sa upuan sina Solenn Heussaff, Kean Cipriano and Derek Ramsay with Direk JP Lacsamana.

Umaalingawngaw ang boses ni Kiray sa buong venue lalo na nu’ng mapag-usapan na ang kissing scenes nila nina Derek and Kian. “Ako smack lang kaya oks lang. Ha-hahaha!” biro ni Kean.

“Ako, I had to drink some wine para matuloy ang kissing scene namin ni Kiray. Kasi nga, parang younger sister ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko kakayanin na makipaghalikan sa kaniya nang normal.

Kasi nga, sa liit niya, para ko lang talaga siyang kapatid.  “Hindi ko siya nakitaan ng real romantic angle na puwedeng maging kami. Ha-hahaha! Para siyang bunsong kapatid ko lang kaya kailangang uminom ako ng wine para medyo lumakas ang loob ko,” pagtatapat naman ni Derek na balitang nakipag-torrid kiss with Kiray.

“Nakakaloka nga itong si Derek, hindi lang smack ang ginawa niya. Kasi kung smack, di sana gumagalaw ang katawan niya, di ba? Dapat steady lang. Pero hindi lang basta kiss ang ginawa niya, talagang nilaplap niya ako. Halos kainin ang buong labi ko.

“Maloko lang talaga ako pero never pa akong nahalikan ng lalaki sa lips. Hanggang beso-beso or cheeks lang, pero yung sa lips, nagulat ako. Ganoon pala iyon. Buti na lang scene lang sa movie at hindi talaga in real life. Ha-hahaha!” ani Kiray.

Kaya ang sigaw ng press “choosy” pa raw ang babaeng ito. Nakakatuwa ang “Love Is Blind”. Mukhang laugh trip talaga ang dala sa atin. Kung paano naging sina Derek at Kiray sa movie, yan ay dahil sa love potion (gayuma) na inilalagay ni Kiray sa drinks ni Derek pag nagkikita sila.

At tuwing tumatalab na kay Derek ang love potion ay nagta-transform na si Kiray into a sexy and beautiful lady na ginagampanan naman ni Solenn. Ganoon iyon. “Marami kasi ang nagtatanong kung paano naging sina Kiray and Derek eh ,hindi naman kagandahan si Kiray, di ba? Parang hindi nila makitaan ng chemistry kaya kailangan in a comic situation.

Para siyang female reincarnation ni Rene Requiestas sa ‘Pido Dida’ noon. Malamang na mag-click ang movie na ito. Masaya lang kasi,” sabi ng isang writer na katabi ko sa upuan. Watch out for Kiray’s launching movie “Love Is Blind” this coming Feb. 10 sa inyong favorite theaters.

Ako’y naeengganyong pumila pagdating ng first day dahil I want a good laugh. Masarap magdala ng mga barkada sa mga sinehan sa araw na ito para meron tayong something funny and positive to dwell on, di ba? Hay!

Read more...