Nasawi ang 3-anyos na batang lalaki matapos na aksidenteng mabaril ng 5-anyos niyang kuya sa Titay, Zamboanga Sibugay, ayon sa pulisya.
Isinugod pa ang 3-anyos sa Sibud County Hospital dahil sa tama ng bala sa dibdib, ngunit di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Zamboanga Peninsula regional police.
Naganap ang insidente sa Purok Sunflower, Brgy. Longilog, Linggo ng umaga at naiulat sa lokal na pulisya alas-8.
Lumabas sa imbestigasyon na naglalaro ang magkapatid sa loob ng kanilang bahay, nang magtungo ang 3-anyos sa silid ng natutulog nilang lolo at matagpuan ang kalibre-.45 baril sa taas ng cabinet.
Iniabot pa ng bata ang baril sa 5-anyos niyang kuya, na mapaglaro namang tinutukan ang una at nakalabit ang gatilyo, ayon sa pulisya.