Mga Pinoy umaasa na gaganda ang buhay- SWS

Social Weather Stations

Social Weather Stations


Umaasa ang mga Filipino na gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan, ayon sa survey ng Social Weather Station.
Ayon sa survey noong Disyembre, 45 porsyento ang nagsabi na gaganda ang kanilang buhay at limang porsyento ang nagsabi na hindi.
Noong Setyembre, ang nagsabi na gaganda ay 38 porsyento at ang hindi ay limang porsyento.
Nadagdagan din ang nagsabi na gumanda ang kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan na natal sa 31 porsyento kumpara sa 29 na nagsabi sa survey noong Setyembre.
Sinabi naman ng 27 porsyento na hindi maganda ang nakaraang 12 buwan mula sa 25 prosyento.
Nagpahayag naman ang 39 porsyento na gaganda ang ekonomiya sa susunod na 12 buwan kumpara sa walong porsyento na nagsabi na hihina ang ekonomiya.
Mas marami ito sa 30 porsyento na nagsabi na gaganda ang ekonomiya sa survey noong Setyembre. Ang mga nagsabi naman na hindi ay 12 porsyento sa naunang survey.
Ang survey ay ginawa mula Disyembre 5-8 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Read more...