NAITALA ang pinakamalamig na umaga sa Baguio City ngayong araw matapos namang magsimula ang hanging amihan noong Oktubre, ayon sa state weather bureau said.
Sinabi ni Glaiza Escullar, ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na bumagsak sa 10.8 degrees ang temperatura sa Baguio ganap na alas-5 ng umaga.
Alas-5 ng umaga noong Lunes, nakapagtala ng 11.5 degrees Celsius sa Baguio.
Naranasan naman ang pinakamalamig na temperatura sa Metro Manila noong Disyembre 29, 2015 matapos makapagtala ng 19.6 degrees.
Noong Lunes, naitala ang pinakamalamig na tempertura sa Metro Manila sa 23.8 degrees Celsius.
Idinagdag ni Escullar na maaaring lalo pang lalamig ang temperatura ngayong Enero at Pebrero.