MABIGAT na daloy ng trapiko ang patuloy na nararanasan sa Cebu City simula alas-5 umaga pa lang matapos isara ang Pope John Paul II st. para sa mga delagado ng International Eucharistic Congress na papunta sa IEC Pavilion.
Bagamat, binuksan muli ang mga kalsada ganap na alas-10 ng umaga, lalo pang nakapagpalala ng trapik ang naranasang mga pag-ulan sa kahabaan ng M. Cuenco ave. mula Barangay Banilad hanggang Barangay Talamban malapit sa University of San Carlos.
Napilitan ang mga motorista na bagalan ang pagpapatakbo dahil sa mga basang kalye at mga pagbaha sa Cardinal Rosales ave., sabi ni Joy Tumulak, operations head ng Cebu City Traffic Office (CCTO).
“We are asking the motorists to use alternative roads if possible and to further increase their patience,” sabi ni Tumulak.
Aniya, nagpakalat naman ng 30 enforcers para tumulong sa pagsasaayos ng trapiko.
Inaasahan namang lalala pa ang lagay ng trapiko simula alas-5 ng hapon dahil nakatakdang isara ang Pope John Paul st. pata sa mga delegado.