Heart aliw na aliw sa ‘Miss Universe’ moment ni Chiz

chiz escudero

Aliw na aliw naman si Heart Evangelista nang makarating sa kanya ang tungkol sa nakaraang kay Sen. Chiz Escudero ng ilang members ng press.

Nag-ala Pia Wurtzbach kasi ang kanyang mister sa pagsagot sa ilang tanong tungkol sa kanyang kandidatura sa darating na eleksiyon.

May nagtanong kasi kung ano ang kaibahan niya sa mga kalaban niya sa pagka-bise presidente. Ang nangingiting sagot daw ni Chiz, “I am confidently beautiful with a ‘Heart!’” Na ang tinutukoy ngang “heart” ay ang kanyang misis.

Dagdag pa ng senador, siya lang daw ang totoong may “Heart” kumpara sa mga makakalaban niya sa darating na eleksiyon. “Sa lahat po yata ng kumakandidato ako lang ho ang may pruweba.

Ako lang ho ang may kontrata, may litrato at may ninong at ninang na testigo pa na ako po ay may ‘Heart,’” biro pa ng running mate ni Sen. Grace Poe.

Ayon kay Heart, suportado niya ang pagtatatag nina Chiz at Grace ng isang “gobyernong may puso”.
Dedma naman ang Kapuso actress sa mga naglabasang hula sa pagpasok ng 2016 na magkakahiwalay din daw sila ng kanyang asawa.

Mas matindi pa rin daw ang paniniwala niya sa faith at destiny.  Nauna nang sinabi ni Heart na handa siyang sumama sa pangangampanya ni Chiz pero hangga’t maaari ay ayaw niyang lumabas sa anumang TV ad ng asawa.

Hayaan na lang  Sa lahat naman ng tagasuporta ni Heart o Love Marie sa mundo ng pagpipinta, magsisimula na sa Jan. 30 (tatagal hanggang Feb. 9) ang kanyang unang art exhibit ngayong 2016.

Lahat ng paintings na pinaghirapan ni Heart nitong mga nakaraang buwan ay idi-display sa Artist Space sa Ayala Museum, Makati City. Kamakailan, inilabas na rin ang mga bagong obra ni Heart sa pamamagitan ng mga designer bags at children’s books.

Ito’y para nga naman mas gawing appealing at mas maging accessible sa general public.

Read more...