2 Kapamilya child star ipinasyal ni Sylvia Sanchez sa Singapore

sylvia sanchez

Ang bongga nina Jana Agoncillo alyas Ningning at John Steven de Guzman alyas Mac Mac dahil nasa Singapore sila nitong weekend kasama ang pamilya Atayde sa pangunguna nina Sylvia Sanchez, Ria, papa Art.

Yes bossing Ervin, isinama ng pamilya ang dalawang bagets dahil kalaro sila ni Xavi, ang bunsong anak ni Ibyang. Ang mismong bagets ang humiling sa magulang niya na isama ang friends niya sa Singapore para may kalaro siya.

Kuwento ni Ibyang, “Kapag taping ko kasi, isinasama ko si Xavi o kaya pinapupunta ko, lalo na kapag ilang araw ko siyang hindi nakikita kasi umuuwi ako, nasa school na silang lahat, pagdating naman nila, nakaalis na ulit ako for taping.

“So para makita ko ang mga anak ko lalo na si Xavi, pinapupunta ko sa set kaya hayun, nakakalaro niya sina JM (Cho ng Be Careful With My Heart) noon at ngayon sina Josh at Jana.

“Iba ‘yung saya na nakikita ko kay Xavi kapag kasama niya sina Jana at Josh, hindi ‘yun mapapalitan ng materyal na bagay, Reggs. At saka gusto ko rin talaga ang mga bagets, pati nga si Ria, babies na ang turing sa kanila, kasi mga estudyante niya sila, di ba?” kuwento ni Ibyang sa amin kahapon habang namamasyal sila sa Sentosa Island.

Tsinek namin ang lahat ng litratong magkakasama ang tatlong bagets sa Singapore at talagang kitang-kita ang saya nila. “Ang ganda tingnan nilang tatlo, Reggs. Sinasamantala ko na habang maliit pa si Xavi kasi kita mo nga, ilang taon lang, ang lalaki na nina Gela, Ria at Arjo, hindi ko na sila puwedeng basta isama o yakap yakapin kasi may mga kanya-kanyang lakad na.

“Kaya kapag libre ang schedule nila, talagang hinihiling ko na sumama sila sa amin. Kaya sinasamantala ko talaga habang bata pa si Xavi,” katwiran ni Ibyang. Samantala, pagkatapos ng Ningning ay may offer uling serye kay Sylvia at pinag-iisipan pa raw niya dahil mabait na naman ang papel niya, “Gusto ko sana, iba naman, sana maldita uli, ‘yung matsa-challenge akong gawin,” tumatawang sabi ni Ibyang.

Read more...