Horoscope, January 26, 2016

Para sa may kaarawan ngayon: Ang pagdadalawang isip ang magtutulak sa kabiguan. Kapag may dumating na oportsunidad wag mo ng palagpasin, i-grab mo agad. Sa pag-ibig, wag pag-alinlanganan ang pag-ibig ng kasuyong Libra. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Blue at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pinansiyal, kung magpapa-ganda kang muli, mas maraming kliyente ang maaakit. Sa pag-ibig, kahit na malamig ang panahon kung maliligo kang lagi, matutukso na naman ang kasuyong ikaw ay romansahin. Mapalad ang 6, 15, 24, 30, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Krisna-Govinda”. Red at orange ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)— Isang malaking sopresang may kaugnayan sa salapi ang darating. Kaya lang pag hindi mo iningatan mauubos din agad. Kapag maraming pera kailangang matututo kang magtipid. Sa pag-ibig, tuloy ang agos ng ligaya habang lalo pang lumalamig ang panahon. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 42, at 45. Mahiga mong mantra: “Abra-Ka-Dabra.” Red at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Kung hindi naging maganda ang pasok ng pera nitong Enero, umasa kang pagpasok ng Pebrero, mabilis uling dadami ang salapi. Sa pag-ibig kapag nagkapera, ilibre naman ang kasuyo sa isang romantic at may masarap na pagkain na lugar. Mapalad ang 4, 10, 28, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om”. Yellow at lilac ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Hindi darating ang suwerte kung puro ka hintay lang ng hintay. Wag tatamad-tamad! Damihan ang pagkilos na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, ipagpatuloy ang matiyagang pakikipag-bolahan sa kasuyong Scorpio. Mapalad ang 1, 14, 23, 32, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Sator-Arepo-Tenet-Opera.” Silver t green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)— Mahirap kitain ang pera, kaya sa susunod na suweldo magtabi para sa future. Kapag hindi ka naging stable sa aspetong pang-pinansyal paano mo mabibigyan ng masayang buhay ang iyong pamilya? Mapalad ang 1, 7, 18, 25, 28, 43. Mahiwaga mong mantra: Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Yellow at orange ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— Lagyan ng dagdag na kulay ang papalapit na Valentine’s day, bagong istilo ng pakikipagromansa ang dapat, upang muling sumiklab ang mainit na pagsuyo. Sa pinansyal, ituloy mo lang ang pagtitipid upang yumaman ka na agad. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 39, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Gita-Gita-Bhagava.” Blue at green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) —Disiplinahin ang sarili. Sa pagkain, iwasan ang pagiging matakaw upang hindi ka masyadong tumaba. Sa pag-ibig at salapi, kasaganaan at maligayang relasyon ang hatid ng isang Virgo. Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus.” Lilac at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Ipayapa ang isipan kahit na maraming problema. Malulusutan mo ring lahat ng iyan. Mag-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, itutok ang atensyon sa isang Cancer. Mapalad ang 6, 9, 21, 29, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Atharva-Abrahma-Om.” Red at green ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa pag-ibig unti-unti ng bibigay ang kasuyo, ituloy mo lang ang pang-aakit. Sa pinansyal, isa-isang negosyo lang ang dapat ipatupad sa bawat taon, upang wag magulo ang iyong konsentrasyon. Mapalad ang 1, 17, 28, 33, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at lilac ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Panahon na upang mag-ipon ng maraming pera sapagkat ang salapi ay lubhang makapangyarihan. Tandaang kapag marami kang pera, magdudulot ito ng kaligayahan sa buong pamilya. Mapalad ang 5, 16, 25, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Miraculum.” Red at black ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Kahit medyo luhaan sa pang-emosyonal na aspeto sa susunod na mga araw bigla ding magbabago ang kapalaran. Alalahanin mong nagkaka-edad ka na, dapat mo ng itama at iaayos ang mga nakaraan mong pagkakamali. Sa pag-ibig wag ng balikan ang mga walang kuwentang tao na nagpaluha sa iyo. Mapalad ang 1, 7, 19, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Green at yellow ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) —Ingatan ang natitirang salapi! Kapag naubos ‘yan, mahirap mag hanap ng mauutangan. Kaya nga wag kang gastos ng gastos ng walang kabuluhan. Sa pag-ibig, ipatago ang hawak na pera sa kasuyong kuripot. Mapalad ang 6, 10, 29, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Minna-Om-Galla-Om.” Apple green at white ang buenas.

Read more...