Ex-Davao City mayor muling nagpakalbo para sa SAF44
MULING nagpakalbo ang anak ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na si dating Davao City mayor Sara Duterte-Carpio bilang pagpupugay sa 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) na minasaker sa nangyaring operasyon sa Mamasapano.
“Ok lang mamatay para sa bansa kung sinabi sa iyo ang katotohanan kung bakit kelangan mo mamatay,” sabi ni Duterte-Carpio sa kanyang Facebook page noong Lunes.
Ito’y sa harap naman ng paggunita sa unang anibersaryo ng pagpatay sa SAF 44.
“I dedicate another #kalbo and another year of my profile pictures in FB, Instagram and Twitter to the 44 men who bravely faced death to keep us safe and secure in our daily lives,” dagdag ni Duterte-Carpio, kung saan nagpost pa siya ng litrato na hawak ang kanyang cell phone habang nagpapakalbo sa isang parlor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.