RYZZA MAE ipinaglihi sa upos ng sigarilyo

ryzza mae dizonNakapulupot ang umbilical cord sa leeg at nakadapa nang isilang

Si Ryzza Mae Dizon ang featured story sa Magpakailanman.

The newest Little Miss Philippines winner is indeed everywhere and everyone wants to get to know her. Part of the MMFF 2012 movie na “Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako” where she plays one of the sidekicks of Judy Ann Santos together with John Lapus and Yassi Pressman, ang buhay niya ang ikukuwento tonight ni Ms. Mel Tiangco sa Magpakailanman right after Kap’s Amazing Stories.

The story will encompass her life story mula sa paglilihi ng kanyang ina hanggang sa kanyang pagkapanalo bilang Little Miss Philippines 2012 ng Eat Bulaga.

Ipinaglihi si Ryzza Mae hindi sa kung anumang pagkain kundi sa upos ng sigarilyo – bagay na pilit itinago ni Rizza sa kanyang asawang si Victor.

Nang ipanganak si Ryzza Mae, walang midwife kaya si Victor ang tumulong kay Rizza na ipanganak si Ryzza Mae.

Nang lumabas ito, nakapulupot ang umbilical cord sa leeg at nakadapa.Dalawang buwan pa lang si Ryzza Mae, kinaila-ngan na ni Rizza na iwan siya sa kapatid para makapagbenta siya ng butter corn sa isang cart/wheeler na siya mismo ang nagmamaneho sa bawat kanto’t bahay.

Minsan, isang Pasko, hindi mapigilan umiyak ni Rizza nang makita niyang nanonood si Ryzza Mae at ang nakatatandang kapatid nitong si Princess sa bintana kung saan dumadaan ang mga batang bago ang mga damit at sapatos.

Ryzza plays herself as she stars with Manilyn Reynes, Yul Servo, Pen Medina, Diego at Nova Villa.

Read more...