PAPA JACK walang kupas ang kahambugan, napikon sa sekyu binagsakan ng telepono

papa jackHindi na raw magandang ehemplo sa mga Pinoy kaya nirereklamo

Listening to Papa Jack’s radio show can be very tiring.

Nakakapagod kasi ang paulit-ulit niyang pagsigaw sa kanyang mga kausap sa telepono.

Talagang ipinagpipilitan niya ang kanyang views, at any given time during his interviews.

At hindi siya talaga titigil hangga’t hindi pumapanig sa kanya ang kanyang kausap.

Nakakaloka siya, ha! Para bang siya lang lagi ang tama, parang siya lang ang may magandang opinion.

At ang higit na nakakaloka, nagpapabastos naman ang kanyang mga kausap.

Okay lang sa kanila na sabihang tanga, boba at iba pang masasakit na salita.

It’s either they’re idiots o sadya lang silang mahina at hindi kayang ipaglaban ang kanilang side.

Minsan, sa pakikinig namin ay nakita namin ang pagiging bastos ni Papa Jack. A caller na isang security guard yata ay nagkuwento ng kanyang sexcapades.

Halos patapos na siya sa kanyang kuwento when his attention was called by a staff sa convenience store na kanyang pinagtatrabahuhan.

Nataranta ang caller kaya ibinaba na niya ang telepono.

Maiintindihan mo naman ang ginawa ng guard dahil baka nga naman matanggal pa siya sa trabaho kapag ipinagpatuloy pa niya ang chikahan with Papa Jack.

But miffed, Papa Jack called up the caller and to get even ay binagsakan din niya ito ng telepono.

How gross! Ngayon spell kabastusan at kacheapan. Not a good example sa taumbayan, di ba?

Actually, marami rin kaming nakakausap na nagtatanong, ano raw kaya ang ginagawa ng KBP sa mga ganitong uri ng radio show?

Read more...