HOROSCOPE, January 22, 2016

Para sa may kaarawan ngayon: Disiplinahin ang sarili upang lalo pang umunlad. Sa pag-ibig, wag nang hintayin ag “ideal love” dahil hindi darating yan! Makipagrelasyon sa isang Cancer upang lumigaya. Mapalad ang 4, 18, 27, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Orange at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Sa taong ito ng 2016, tama ang pagkukuripot kung pagyaman ang layunin. Sa pag-ibig, aanhin ang salitang “pagmamahal” kung pareho naman kayong walang makain at laging walang kapera-pera. Tandaang maligaya lamang ang relasyon kapag maraming panggastos. Mapalad ang 5, 17, 26, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Babanam-Om-Kebalam.” Gray at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Hindi masamang tumulong subalit kung lagi namang ikaw ang inaasahan, parang kinukunsinti mo ang mga tamad. Ang kinabukasan ng pamilya ang higit na mas mahalaga bago ang pagtulong sa mga kaibigan at sa iba pang mga taong wala namang mga kuwenta. Mapalad ang 6, 17, 25, 28, 46 at 49. Mahiwag among mantra: “Viola-Violae-Om.” Blue at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)— May darating na magandang oportunidad sa pag-ibig at pagkakaperahan hatid ng isang Aquarius. Wag ka nang mag-inarte pa—sunggaban mo na agad! Mapalad ang 2, 11, 29, 35, 39, at 47. Mahiwaga mong manra: “Katha-Upanisad-Aum.” Silver at green ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) —Sa taong ito ng 2016, upang magtuloy-tuloy ang suwerteng pang-materyal ay makipagkaibigan sa isang Capricorn at sa mga taong may birth date na 5, 14, at 23. Sa pag-ibig, puwede ng pagtiyagaan ang isang Virgo lalo na at 1, 10, 19 o kaya’y 28 ang kanyang birth date. Mapalad ang 1, 7, 20, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Bukod sa green ang yellow ay buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—May lihim na naiinggit sa iyo! Wag silang pansinin upang hindi masira ang araw mo! Sa pinansiyal, ituloy mo lang ang pagpapayaman. Sa pag-ibig, naiingit sila sa iyo dahil mas maganda ka sa kanila. Mapalad ang 3, 4, 12, 21, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhama-Yoti-Dosya-Om.” Violet at orange ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—May likas kang magnetismo na wala sa ibang zodiac signs kaya naman sa pinansyal mas makabubuting ikaw ang mag-market ng iyong produkto para mabilis na yumaman. Sa pag-ibig, ipatupad ang matagal ng planong mag-honeymoon sa lugar na malapit sa nature. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sukadeva-Mantra-Om.” Yellow at maroon ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) —Sa taong ito ng 2016, kung ayaw mong mapakialaman ay wag ding makialam sa buhay ng iba. Sa pinansyal, wag manggaya ng produkto, kailangang madiskubre ang unique na kalakal na magpapayaman sa iyo. Mapalad ang 1, 8, 19, 22, 31, at 49. Mahiwaga mong mantra: “ Aum-Kedemel-Hagiel-Om.” Red at violet ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Panahon na upang ipakita ang sariling kagustuhan. Sa pinansyal at pag-ibig, kapag may katwiran – ipaglaban mo! Hindi dapat umoo nang umoo at sumang-ayon lang nang sumang-ayon. Sa attitude na may sarili kang paninidigan, mas lalo kang uunlad at mas magiging maligaya. Mapalad ang 7, 11, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Beige at black ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— Sa taong ito ng 2016, kung pananatiliin ang pagmamahal sa pamilya ay hindi ka lang susuwertehin sa pakikipagelasyon, papalarin ka rin sa larangan ng materyal na bagay. Ang tapat na pag-ibig ang pundasyon ng masaganang kapalaran. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 37 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Certum-Est-Quia-Est-Aum” Pink at purple ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa taong ito 2016, habang nagpapakabuti at nagpapakasipag ay lalong darami ang salapi. Sa pag-ibig, wag lokohin ang kasuyong Virgo dahil malaking halaga ng salapi ang maitutulong niya sa iyo. Mapalad ang 5, 18, 32, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Yellow at green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pag-ibig at aspetong pang pinansyal, kung puro damdamin ang paiiralin, paano ka uunlad at paano ka magiging maligaya? Maging praktikal upang hindi ka na lumuha. Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dosya-Om.” Orange at yellow ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Ituloy ang kasalukuyang hanapbuhay at dagdagan pa ang pagsisipag, darating din ang araw kusa kang yayaman. Sa pag-ibig, dalasan pang lalo ang pagte-text sa kasuyo, wag manghinayang sa load – “mag-unli” ka na lang! Mapalad ang 8, 18, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Om.” Purple at lilac ang buenas.

Read more...