Derek: Wala akong utang kay Solenn, never akong humingi ng pera sa mga ex ko!

SOLENN HEUSSAFF AT DEREK RAMSAY

SOLENN HEUSSAFF AT DEREK RAMSAY

NAGSALITA na si Derek Ramsay kung bakit sila naghiwalay ni Solenn Heussaff.

“Na-mention ko na I really hurt myself breaking with Solenn. I didn’t want to do it but it had to be done at that time because gaya ng sinabi ko kanina, we were focusing too much on one another that both of us didn’t grow in what we wanted to do in our lives. It broke my heart to end the relationship.

Relationship is great but masyado kaming naka-focus sa isa’t isa,” say ni Derek sa presscon ng pelikulang “Love Is Blind”.

“We were at a period na hinahanap namin kung anong path ang gusto naming kunin and it’s sad that we were both hinder on what we do with our life,” dagdag pa niya.

Amused na amused si Derek when one writer asked kung true ang rumor na kaya sila naghiwalay ni Solenn ay dahil sa pera. Na inutangan daw niya ito.

“Kami ni Solenn? Paano naging money matters? I never heard about that but no, hindi kami nag-away over money. We came from a well off family. Tatanong ko siya kung narinig na niya.

“Ako, nanghiram? No, hindi ako humihiram ng pera kahit kanino. One thing I’m proud of is that hindi ako nagkautang kahit na kanino. No, hindi ako umuutang ng pera kay Solenn or kahit sa sinong ex ko at kahit sinong tao.

“Parang dini-disrespect ko ang pamilya ko, my dad, my mom who work so hard to give me a great life tapos uutang lang ako, sa girlfriend ko pa. Kung sino man ang nagkalat niyan, hindi ko alam kung bakit niya ginagawa pero God bless na lang sa ‘yo,” paliwanag niya.

Oo nga naman. The hunk actor came from a well off family kaya imposibleng mangutang siya. One time nga, ‘di ba, nanakawan siya sa isang event dahil may dala siyang P300,000 cash.

Read more...