11 partylist congressman sisibakin?

house of representatives
Labing isang partylist representatives ang maaring masibak sa puwesto dahil sa kanilang pagtakbo sa ilalim ng ibang partido sa darating na eleksyon.
Sinabi ni Speaker Feliciano Belmonte Jr., na sa ilalim ng Partylist Law (RA 7149), ang mga nakaupong partylist congressman na tatakbo sa ibang partido sa darating na eleksyon ay otomatikong maaalis sa puwesto.
Sila ay maaari namang palitan ng ibang nominee ng partylist group.
“We are checking with Comelec and getting copies of their COCs (Certificate of Candidacy). Yes after we verify,” ani Belmonte.
Kasama sa mga maaaring matanggal sa pagkakongresista sina Gabriela Rep. Luz Ilagan na tumatakbong konsehal sa Davao City; Bayan Muna Rep. Neri Javier Colmenares na tumatakbo sa pagkasenador; OFW Family Rep. Roy Seneres na tumatakbo sa pagkapangulo; ABS Rep. Catalina Leonen-Pizarro na tumatakbo sa pagka-alkalde sa Sudipen, La Union; Coop-Natco Rep.Cresente Paez na tumatakbong senador.
Agap Rep. Nicanor Briones na tumatakbong gubernador ng Batangas; Buhay Rep. Erwin Tieng na tumatakbong konsehal ng Maynila; ABONO Rep. Franciso Emmanuel Ortega na tumatakbo sa pagkagubernador ng La Union; ACT-CIS Rep. Samuel Pagdilao na tumatakbo sa pagkasenador; 1CARE Rep. Michael Rivera na tumatakbong mayor ng Padre Garcia Batangas at OFW Family Rep. Johnny Revilla na tumatakbong konsehal sa Quezon City.

Read more...