NAG-goodbye na sa Eat Bulaga ang TV host-actress na si Julia Clarete.
Inanunsyo ni Julia ang kanyang pag-alis sa noontime show nitong Huwebes sa kanyang Facebook page.
Sa Malaysia na maninirahan si Julia.
Nagsimula si Julia na mag-host sa Eat Bulaga, ang longest-running noontime show sa bansa, noong 2005.
Bagamat hindi umano siya pormal na nakapagpaalam, babalik pa rin umano siya para ayusin ang lahat.
“Nakatira na kasi ako sa Kuala Lumpur ngayon… Pasensiya na kung hindi ako nakapag-padespedida man lang. Pero hayaan niyo, pagnaayos ko na ang lahat, babalik ako para magsama sama tayo. Sa #tamangpanahon,” Clarete said in her post.
MOST READ
LATEST STORIES