San Miguel Beermen, Alaska Aces sisimulan ang Finals duel

Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
5 p.m. Alaska Milk vs San Miguel Beer
(Game 1, best-of-seven Finals)

HINDI man seryoso ang naging knee injury ni San Miguel Beermen center June Mar Fajardo sa Game 6 ng 2016 PBA Philippine Cup best-of-seven semifinals kontra Rain or Shine Elasto Painters noong Biyernes ng gabi hindi naman sigurado kung paglalaruin siya sa pagsisimula ng kanilang best-of-seven Finals series kontra Alaska Aces ngayong alas-5 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

“He’s a game time decision,” sabi ni San Miguel coach Leo Austria kahapon. “Our doctors said he can play, maybe the second, third or fourth game. He can even play (today) if the swelling subsides.”

Grabeng sakit sa kaliwang tuhod ang naramdaman ni Fajardo matapos na bumagsak sa sahig sa ikatlong yugto ng laro kontra Rain or Shine noong Biyernes ng gabi.

Nauna nang napabalita na hindi makakapaglaro si Fajardo sa best-of-seven title series na magsisimula ngayong hapon.

“His ACL and MCL are intact,” sabi pa ni Austria. “There’s almost no more pain. Right now, what he feels is just a contusion after hitting his knee on the floor (during the play).”

Papasok ang Aces sa serye na nakapahinga ng husto habang ang Beermen ay magmumula sa pukpukang laban kontra Elasto Painters.

At ito ang isa sa inaalala ni Austria.

“This will be a very tough series for us. Alaska is not the No. 1 team (after the eliminations) by accident,” sabi ni Austria. “Alaska has improved a lot from the team we beat (in the Finals) last year and we don’t have ample time to prepare for them.”

Bagamat malaki ang posibilidad na hindi maglalaro ang pinakamahusay niyang manlalaro sa Game 1, kumpiyansa si Austria sa kakayahan ng iba pa niyang manlalaro matapos ang magandang ipinakita ng mga ito sa Game 6 kontra Elasto Painters.

“But if we are 100% healthy, aba, may katapat sila,” dagdag pa ni Austria.

Ang Alaska ay nagwagi sa kanilang natatanging laban sa elimination round at ang Aces ay eksaktong umangat ang paglalaro kung saan papasok sila sa serye na nakapagpahinga ng husto matapos patalsikin ang Globalport Batang Pier noong Martes sa Game 5 ng kanilang semis matchup.

Ang Beermen at Aces ay nagharap sa Finals sa  tatlo sa huling apat na kumperensiya ng liga.

Read more...