Mark Neumann: Napakalaki po ng utang na loob ko sa TV5!

mark neumann

Nagkita kami ni Mark Neumann sa kanyang pictorial sa TV5 para sa bagong programa ng network, ang Tasya Fantasya, sila ng magandang si Shy Carlos ang magkatambal sa fantaseryeng sinulat ni Direk Carlo J. Caparas.

Mas maganda ang kanyang katawan ngayon, nakatulong ang pagtutok niya sa gym habang nakabakante siya nang matapos ang Baker King, sa mga susunod na linggo ay puro trabaho na naman ang bibigyan niya ng panahon.

Nagmarka si Mark bilang si Tak-Gu sa Korean telenovelang sinubaybayan ng ating mga kababayan, nahulma sa nasabing programa ang kanyang pagganap, puwede na siyang makipagsabayan ngayon sa magagaling na personalidad.

Sa pagpasok ng Pebrero ay mapapanood na ang Tasya Fantasya sa TV5 sa pakikipagpareha ng istasyon sa Viva Entertainment, tuwing Sabado nang gabi ang pinagbibidahang serye nina Mark at Shy, masayang-masaya ngayon ang guwapong binata sa nangyayari sa kanyang career.

“It’s only a matter of time, happy ako dahil bukod sa Tasya Fantasya, pumirma rin po ako ng contract with Viva Films. Five movies po ang gagawin ko sa kanila, but I’m still with TV5 Artist Center, hindi po ako umaalis sa kanila.

“I will forever be grateful po sa mga ibinigay nilang opportunity sa akin, malaki ang utang na loob ko sa TV5. Pero masaya ako dahil may Viva pa ngayon, I’m really blessed,” komento ng guwapong aktor.

Read more...