Kontrabida si Ara Mina sa bagong TV series na Tasya Fantasya ng TV5 at may tatlo pa siyang anak sa kuwento na pawang malalaki na. Asawa niya si Freddie Webb na under de saya sa kanya.
Last na nagkontrabida si Ara ay sa Yesterday’s Bride. “It’s a fantasy naman kasi kaya okay lang na may tatlo akong anak. Parang 15 lang ako nang nanganak ako. Kung drama ay medyo pag-iisipan ko pa kasi drama ‘yun, eh.
Ako ang magpapahirap kay Tasya Fantasya,” chika ni Ara sa amin. Maingat sa mga bibitawang salita si Ara bilang kontrabida dahil isinasaalang-ala nila ang MTRCB.
“Kapag nagto-throw lines kami ay pinapalitan minsan ang words ko. Very careful kami sa mga words ko, ‘yung ia-allow lang sa MTRCB ang puwede kong sabihin.”
Bukod sa Tasya Fantasya ay may YouTube show si Ara na lalabas kasama ang young moms like her, ang Mommy Squad. Sina Say Alonzo, Helga Krapf, Melissa Ricks ang mga kasama ni Ara sa show.
It’s a reality show na magpapakita ng travels nilang apat kasama ang mga anak at husbands nila.