Female singer manloloko raw, pilit itinatago ang pagkatibo

KASI naman. ‘Yun ang nagkakaisang komento ng mga magkakaumpukang taga-showbiz tungkol sa mga paeklat ng isang female singer na matagal na panahon nang may gusto sa isang pamosong male singer.
Halatang-halata ang pagkagusto ng girl sa male singer, pero ang tanong, type din ba naman kasi siya ng lalaking matagal na niyang pinatsatsarmingan?
Sa isang interbyu kasi ay sinabi ng girl na madalas kuno siyang yayaing makipagsiping sa male singer, pero dahil hindi pa naman sila kasal, hindi kuno niya ibibigay ang kanyang pagkababae.
Sabi ng isang source, “Painumin n’yo nga ng suka ang babaeng ‘yun? Ano ba naman ‘yan? Siya pa mismo ang nagbibigay ng insinuation na gusto siyang tsuktsakin ng male singer na matagal na niyang gusto?
“Magtigil nga siya! Wala namang naniniwala na papatulan siya ng guy, ‘no! Hanggang ilusyon na lang siya dahil malayo sa katotohanan ang gusto niyang mangyari!” nakairap pang komento ng aming impormante.
Naloloka ang tropa dahil ang balitang kumakalat tungkol sa female singer ay miyembro siya ng Tivoli Gang. Kabaro rin kuno ang gustong makarelasyon ng babaeng singer.
“Naku, matagal nang kuwento ‘yun. Nagpapanggap lang kuno ang girl na ‘yan na may gusto siya sa male singer, pero ang totoo, e, girl din naman ang hanap niya!
“Kung totoo ‘yun, e, bakit pa niya pinaniniwala ang marami na puwede silang maging magkarelasyon ng male singer na type niya? Uulitin ko ang tanong, mataypan din naman kaya siya ng male singer?” dagdag naman ng isa pang source sa umpukan.

Read more...