Obispo: PNoy ‘anti-poor’, Mar Roxas ‘wag iboto

TINAWAG na kontra sa mahirap ng isang opisyal ng Simbahang Katoliko si Pangulong Aquino matapos nitong i-veto ang panukalang batas na magtaaas ng pensyon ng mga matatandang miyembro ng Social Security System (SSS).
Sa kanyang post sa Twitter, sinabi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na ang ginawang pagbasura ni Aquino sa planong umento sa SSS pension ay ipinapakita nito na siya ay “talagang anti-poor.”
“By vetoing the bill for increase of pension of SSS members PNOY has clearly shown that his program of inclusive growth is mere rhetoric,” ani Pabillo, na pinuno rin ng Committee on Public Affairs ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Ipinaalala ni Pabillo na nagdesisyon din noon si Aquino na i-veto ang Magna Carta for the Poor.
“We must remember that PNOY also vetoed the bill on Magna Carta for the Poor,” dagdag niya.
Kaya ang tanong ng obispo: “Do we vote those who will continue this anti-poor policy?”
Matatandaang inulan ng batikos mula sa lahat ng sektor ang desisyon ni Aquino na ibasura ang panukalang batas.
Ipinagtanggol naman ng pangulo ang kanyang ginawa dahil nanganganib umano na maubos ang pondo ng SSS kapag ipinatupad ito.
Aniya gagastos ang SSS ng P56 bilyon kada taon para matustusan ang P2,000 dagdag sa pension kaya tiyak na masasaid ang pondo sa 2029.

Read more...