Orasyon para yumaman

Sulat mula kay Jess ng Poblacion, Balabagan, Lanao Del Norte
Dear Sir Greenfield,
1. Maunlad naman dati ang buhay namin, nuong kagagaling ko lang sa abroad, kaya lang simula ng sumubok akong mag-negosyo, nagkabaon-baon na akong sa utang. Nakabili pa ako dati ng pampasaherong jeep, pero naibenta ko rin. Gusto ko sanang magbalik sa abroad, pero pending pa ang mga papeles ko. Nais ko sanang itanong kung may alam po ba kayong orasyon para muli kaming yumaman? At may pag-asa kayang maibalik uli ako sa abroad? January 17, 1966 ang birthday ko.
Umaasa,
Jess ng Lanao Del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Huminto ang Career Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad, pero wag kang malungkot dahil muli naman itong gumuhit paitaas at nagpatuloy (arrow 2.). Ibig sabihin sa malapit na hinaharap muli kang magkakaroon ng regular na hanap buhay.
Cartomancy:
Seven of Clubs, Six of Clubs at Ace of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang timitiyak na sa taong ito ng 2016 hanggang 2017 tuloy-tuloy ka na uling makaka-recover sa kahirapan, hanggang sa tuluyan ng bumalik ang dating maunlad at maalwan na pamumuhay.
Itutuloy….

Read more...