Kailangan natin ang US

MGA militante at mga makabayan na wala sa lugar ang ayaw na madagdagan ang puwersa ng mga sundalong Amerikano sa bansa sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Pero iilan lang sila. Karamihan ng Pinoy ay gustong bumalik ang mga US troops sa ating bansa.

Pinaboran kamakailan ng Korte Suprema ang EDCA sa isang desisyon na tinuturing ng marami na “historic.”

Ang US military ay itinaboy sa Clark Air Base sa Pampanga at Subic Naval Base sa Zambales ng Senado noong dekada ’90 upang mapatunayan sa buong mundo na hindi tuta ang Pilipinas ng America.

Nagawa ng Senado noon ang pagpapaalis sa mga Kano dahil walang external threat o banta sa ibang bansa.

Pero kung ang China ay nag-aalburuto noong mga panahon yun, papalayasin kaya ng Senado ang puwersa militar ng Estados Unidos sa Pilipinas?

Kailangan natin ang tulong ng America dahil inaapi tayo ngayon ng China.

Kung lalaban naman tayo sa China ay pupulbusin tayo ng bansang yan.

Kalimutan natin ang istorya ng David vs Goliath kung saan tinalo ng bulinggit na si David ang higanteng si Goliath: Sa Biblia lang nangyari yan.

Kailangan natin ng kakampi na sing-laki at sing-lakas ng China at yan ay ang US.

Hindi maintindihan kung bakit sinisigaw na labag sa ating soberenya o sovereignty ang pagpasok ng American troops sa bansa.

Ilang malalaking bansa sa Europa, ang Japan at South Korea ay may mga US military bases.

Hindi pinalalayas ng mga bansang nabanggit ang US bases sa kanilang mga lugar.

Alam nila na tutulu-ngan sila ng America kapag tinangkang pasukin sila ng kanilang mga kaaway.

Bakit ayaw nating panatilihin ang mga US troops samantalang ti-nutulungan tayo sa paghahabol sa mga Abu Sayyaf sa pamamagitan ng pagbibigay ng intelligence information at pag-train ng tropang Pinoy?
Kawawa ang mga administration candidates nang hindi aprubahan ni Pangulong Noynoy ang panukalang batas na naglalayong taasan ang pension ng mga retiradong miyembro ng Social Security system.

Kung naging batas ang panukala, madadagdagan ng P2,000 ang pension ng lahat ng retired SSS members.

Mga 2 milyon ang SSS pensionado sa bansa at tiyak na sila’y galit sa pangulo.

Ang pagdidiskitahan nila ay mga kandidato ng administrasyon na kinakampanya ni P-Noynoy, lalo na si Mar Roxas, na tumatakbo sa pagka-presidente.

Kahit na one-fourth lang ng 2 milyon na SSS pensionado ang hindi boboto sa mga kandidato ng administras-yon—500,000—naku, ang laki niyan!

Hindi nag-iisip itong si P-Noy at wala siyang magagaling na tagapayo.

Kung sabagay, matigas daw ang ulo nitong si P-Noynoy.

Read more...