Paano mag-claim sa ECC?

NABABASA ko po sa inyong column na may Employees Compensation Commission pala na maaaring magbigay ng benepisyo sa mga manggagawa sa mga miyembro ng GSIS at SSS. Ask ko po ang mga benepisyo na maaaring makuha dito. Ang father ko po ay nag-file ng disability claim sa SSS. Ask ko po kung pwede pa rin na mag file ng claim sa ECC at paano po mag file o pwede po ba na ang mother ko o ako na lamang ang mag file ng claim? Malaking tulong din ito para pambili ng mga gamot ng aking father . Salamat po.

Maricar Fortaleza
Brgy Ugong,
Valenzuela City

REPLY: Ang mga manggagawa ay maaa-ring mag-claim kung ang pagkakasakit, pinsala o kamatayan ay konektado sa trabaho.

Maaaring mag-file ang miyembro o sinumang miyembro ng pamilya o kinatawan sa GSIS; at sa kaso ng mga nasa pampublikong sector, sa SSS maaaring mag-claim.

Ang claim naman ay maaaring i-file sa loob ng tatlong taon simula

a. Sa kaso ng pagkakasakit-simula sa araw na ang manggagawa ay nawalan ng kakayahan upang kumita;

b. sa kaso ng pinsala-simula sa araw na ito ay na sustain;

c. sa kaso ng kamatayan-simula sa araw ng kamatayan ng manggagawang miyembro

Para sa pagpa–file ng claim, punan ang form na binigay ng GSIS o SSS at ilakip ang pagsuporta sa mga dokumento na kinakailangan.

Ang lahat naman ng EC claims ay maaaring i-file ng claimant batay sa kanyang option sa Regional Office/branch ng system (GSIS-para sa mga manggagawa sa gobyerno at SSS naman para sa mga manggagawa sa pribadong sector na malapit sa pinagtatrabahuhan o residente.

Atty. Jonathan
VillaSotto
Deputy Director
Employees Compensation Commission

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...