Coco bagong Box-Office King; Paloma biglang sikat


coco martin

Lubos ang pasasalamat ng Primetime King na si Coco Martin sa mga manonood dahil sa tagumpay ng pinagbibidahan niyang teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano pati na rin ng pelikula nila ni Vice Ganda na “Beauty and the Bestie.”

Kamakailan nga ay ibinahagi ni Coco ang kanyang tagumpay sa mga pamilyang nasunugan noong Bagong Taon sa Brgy. 155 Zone 14 sa Tondo, Manila. Nagbigay din ng mga regalo si Coco na makatutulong sa pamumuhay ng mga residente roon.

Upang mas maipadama pa ang taos-pusong pasasalamat, mapapanood at makaka-bonding ng fans si Coco sa “Piyestang Pinoy ng Probinsyano” kung saan lilibot siya sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Ngayong Sabado, tutungo si Coco sa Cebu at makikipiyesta sa Kapamilya Karavan sa Sinulog Festival na gaganapin sa Ayala Terraces Cebu at 4 p.m..

Magkakaroon din ng pagkakataon ang mga Kapamilyang Ilonggo na makita si Coco dahil makikisaya din siya sa Kapamilya Karavan sa Dinagyang Festival na gaganapin sa Robinsons Iloilo (4 p.m.).

Magtutungo rin siya sa Baguio, Davao, Negros, Dagupan, at Legazpi. Pinasaya nina Vice at Coco ang Pasko at Bagong Taon ng mga Pinoy sa kanilang box-office hit movie na “Beauty and the Bestie.”

Kumpimardo na ring ito na ang highest-grossing film of all time sa Pilipinas making him the new Box-Office King. Mula naman nang umere ito sa telebisyon, hindi natinag sa pangunguna sa TV ratings ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil na din sa iba’t- ibang krimeng isinisiwalat nito tulad ng drug trafficking at prostitusyon.

Dagdag pa rito ang ibinabahagi nitong aral tungkol sa pamilya at sa dedikasyon ng kapulisan sa kanilang serbisyo. Samantala, patuloy pa ring kakapitan ng mga manonood ang maaksyong kwento ni Cardo (Coco) dahil marami pang pasabog ang top-rating teleserye ngayong 2016.

Kasalukuyan ngang hinaharap ni Cardo ang kaso pagdukot kay Carmen (Bella Padilla) at inaalam ang kaugnayan ni Olga (Gina Pareño) sa pagkakawala nito. At upang mas maimbestigahan ang krimen, magpapanggap si Cardo bilang isang babae – si Paloma.

Gagawin niya ang lahat para mailigtas ang buhay ni Carmen mula sa kamay ng sindikato? Huwag palampasin ang mga ma-aksyong tagpo sa Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN.

Napanood namin ang ilang eksena sa serye ni Coco kung saan nagbihis-babae talaga siya with matching make-up and high heels. Kering-keri naman niya ang role ni Paloma at in fairness, ang ganda-ganda ni Coco sa mga eksenang nasilip namin.

Read more...